Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapaikli sa quarantine days ng mga fully vaccinated health workers.
Sa pahayag ni acting presidential spokesman at cabinet secretary Karlo Nograles, gagawing limang araw ang policy shift o quarantine at isolation ng fully vaccinated healthcare workers.
Kasama din sa naturang panukala ang mga pasyenteng may COVID-19 maging sa kanilang close contacts.
Bukod pa dito, pinayagan narin ang home isolation ng COVID-19 patients na asymptomatic o may mild at moderate symptoms. —sa panulat ni Angelica Doctolero