Inaprubahan na ng IATF ang Resolution No. 148-G, na naglalayong i-adopt ang proposed implementation ng Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa limited face-to-face classes for all programs sa ilalim ng alert levels system ng COVID-19 response ng ahensya.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at CabSec Karlo Nograles, nakasaad sa proposal na ito na inaatasan ang CHED na ipatupad ang phased implementation program upang masiguro ang maayos at ligtas na muling pagbubukas ng mga higher education campuses sa bansa.
Sa loob ng buwan ng Disyembre ng ksalukuyang taon, kinakailangan na maisagawa na ang phase 1 implementation ng programang ito ng CHED, kungsaan lahat ng Higher Education Institutions (HEIS) sa mga lugar na nasa alert level 2 ay maaaring ipatupad ang limited face-to-face classes.
Habang ang phase 2 implementation period, ay dapat na masimulan ng January 2022, at nararapat lamng na lahat HEIS sa mga area na nasa alert level 3 ay maipatupad ang limited face-to-face classes.
Base sa inaprubahang resolution ng IATF, kinakailangang magpatuloy ang phased implementation ng face-to-face classes alinsunod sa Joint Memorandum Circular No. 2021-001 ng DOH at CHED, o ang guidelines ukol sa gradual reopening ng mga campus ng HEIS para sa limited face-to-face classes na may ibayong pag-iingat at pagsunod sa mga health protocols kontra COVID-19. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)