Inatasan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang lahat ng local government units (LGU) na magtalaga ng isang funeral parlor na may kapasidad para mag-cremate ng mga labi para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.
Sa press briefing ng IATF, binalaan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga tatangging funeraria na posible silang maparusahan.
Maglalaan aniya ng hanggang P25,000 tulong ang DSWD para sa bawat pumanaw na biktima ng COVID-19.
Ang mga nasawi sa COVID-19 ay dapat anyang ma-cremate sa loob ng 12 oras samantalang mas maigsi kung ito ay kapatid na Muslim.