Inihayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mandatory na sa mga establisyemento at mga employer, mapa-pampubliko o pribado na mabakunahan ang lahat ng kanilang eligible employees ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay acting presidential spokesperson secretary Martin Andanar, ito ay para sa mga manggagawa na pumapasok ng pisikal sa kanilang mga opisina, partikular na sa mga lugar na mayroon namang sapat na suplay ng bakuna.
Pero ang mga empleyado na mayroong on-site work purposes pero nananatiling unvaccinated o ayaw magpabakuna dahil sa ilang rason ay kinakailangang sumailalim sa rt-pcr test isang beses kada 2 linggo o lingguhang antigen test.
Samantala, ang mga manggagawa sa pampublikong sektor kasama ang mga Local Government Units (LGUs), ang kanilang pagpapa-swab o pagsasailalim sa rt-pcr o antigen test ay subject sa availability ng funds, civil service, accounting and auditing rules and regulations.
Exempted naman sa testing requirement ang mga empleyadong tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas na 90 araw.