Pormal nang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ito mismo ang kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang panayam, kung saan, inirekomenda ng IATF na isailalim na sa GCQ ang NCR sa darating na ika-1 hanggang ika-15 ng Hunyo.
Kasabay nito, inirekomenda rin aniya ng IATF na payagan nang magpatuloy ang operasyon ng mass transportation maliban sa mga jeepney, habang iminungkahi namang mag-operate ng 50% capacity ang mga bus.
Dagdag pa ni Año, posibleng magkaroon pa ng mga bagong anunsyo sa ika-15 ng Hunyo, ngunit sa ngayon ay ito aniya ang kanilang napagkasunduan.