Ipinag-utos ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga ahensya ng pamahalaan, iba’t-ibang mga bank at financial institutions na huwag nang i-obliga ang mga nakatatanda o mga senior citizens na magpakita ng personal o magkaroon pa ng personal appearance para makuha ang kani-kanilang mga buwanang pensyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito’y dahil pinoprotektahan ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga nakatatanda kontra COVID-19.
Dagdag pa ni Roque, ang mga senior citizens nating kababayan ay mga pawang vulnerable sa virus.
Mababatid sa ilalim ng kautusan ng IATF, pinaghahanap nito ng ibang paraan ang mga iba’t-ibang ahensya at institusyon na i-validate ang mga nakatatandang pensioners.
Bago pa nito, inoobliga na ng mga pension-issuing agencies ang personal na pagsusumite ng mga kaukulang dokumento ng mga senior citizens para tuloy-tuloy nilang matanggap ang kani-kanilang buwanang pension.