Irerekomenda ng IATF sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng face to face classes sa mga lugar na mayruong mababang kaso ng COVID-19.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque dahil mas maraming benepisyo ang nakita ng IATF kaysa panganib ng pagbabalik ng face to face classes.
Dapat aniyang mailatag na ng IATF ang rekomendasyon nito hinggil sa pagbabalik ng face to face classes para makapagpasya ang Pangulong Duterte bago ang pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
Una nang lumabas sa survey ng Sequre Educ Movement o movement for safe, equitable, quality and relevant education sa mga estudyante sa public schools na 66% sa mga ito ang kakaunti ang natutunan sa ilalim ng distance learning dahil sa kakulangan ng access sa computers at internet connection dulot na rin ng mahal na singil.