Ikinukunsidera ng IATF ang pagpapalawig ng ECQ sa Metro Manila sa loob ng isang matapos ang Agosto 20.
Ayon ito kay DILG Secretary Eduardo Año, Vice Chairman ng IATF bagama’t pinag-aaralan na rin nila kung u-ubrang pairalin na ang MECQ sa NCR para makapagbukas din ang ibang negosyo.
Wala na aniyang cash aid para sa mga maaapektuhan sakaling palawigin pa ang ECQ sa Metro Manila.
Ipinabatid ni anio na magpupulong ang IATF ngayong araw na ito para pag usapan ang susunod na quarantine classifications sa iba’t ibang lugar sa bansa.