Ihahain na sa mga susunod na pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon para sa insentibo ng mga bakunado at disinsentibo ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, mapapabilis at madadami ng pamahalaan ang mga tatangkilik sa bakuna sa ganitong paraan.
Sinabi din niya na bagama’t sobra na ang supply ng bakuna sa bansa, nagiging problema naman ngayon ang bilang ng mga nagpapabakuna.
Samantala, imumungkahi rin ni Dizon ang pagsunod sa best practice na ipinatutupad ng Estados Unidos, Japan, Singapore at South Korea kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran sa mga indibidwal na bakunado at hindi pa. —sa panulat ni Airiam Sancho