Magpapatupad ng 7 days quarantine ang Inter Agency Task Force Against Covid-19 para sa mga fully vaccinated na close contact ng Covid-19 patients.
Kasunod ito ng inaprubahang Resolution 142 na inilabas kahapon ng IATF kung saan, sakop nito ang mga asymptomatic fully vaccinated.
Ang mga closed contact na isinailalim sa 7 days quarantine pero nananatili paring asymptomatic ay maari nang hindi sumailalim sa testing pero magpapatuloy sa quarantine isolation.
Samantala, ang mga unvaccinated at partially vaccinated naman na nakasalamuha ang isang probable, suspected at confirmed covid case, ay kailangang sumailalim sa 14 days quarantine. — Sa panulat ni Angelica Doctolero