Hindi kasama sa cash assistance na ibinibigay ng gobyerno ang mga pensioner na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na tanging ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino lamang ang aayudahan ng pamahalan at makikinabang sa social amelioration program.
Tinatayang nasa 18-M pilipino ang makakakuha ng cash assistance sa loob ng dalawang buwan.
Sinabi ni nograles na malinaw namang hindi maikukunsider na low income ang mga pensioner.
Nasa lima hanggang P8,000 cash ang matatanggap na assistance ng mga pamilyang apektado ng COVID-19.