Tiniyak ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makakatanggap pa rin ng ayuda ang mga manggagawa na hindi nakakuha ng financial assistance sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakatakda nang i-rollout ng Department of Finance (DOF) ang small wage subsidy na para sa mga empleyado ng maliliit na negosyo.
Uunahin anyang bibigyan ang mga nasa sistema na ng Social Security System (SSS) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Maaari anyang may mga nakatanggap na sa CAMP na mapasama sa mabibigyan ng ayuda subalit para lamang ito sa first tranch.