Kailangan mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng indibidwal sa bansa ngayong may banta na ng delta variant sa Pilipinas.
Ito ang irerekomenda ng mga vaccine expert panel sa Inter-Agency Task Force o IATF na kung maaaring mabakunahan ang lahat ng Pilipino sa bansa.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, na hindi sapat na nasa 79% lamang ang mababakunahan sa populasyon sa bansa.
Sa isang pag-aaral, lumalabas na nasa 60% lamang ang efficacy ng Astrazeneca laban sa delta variant habang 79 naman ang efficacy ng Pfizer vaccinenaturang strain ng COVID-19.
Samantala, 65% lamang ang efficacy nito sa mga indibidwal na naturukan ng Sinovac vaccine.
Sinabi naman ni Solante na bago irekomenda ng mga eksperto sa IATF ang pagpapalawig ng target vaccination, kinakailangan muna makita ang epekto ng COVID-19 vaccines sa mga bata.