Binalaan ng Inter-Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga pulitikong ginagamit ang posisyon para makasailalim ng VIP testing sa COVID-19.
Binigyang diin ni Cabinet Secretary at IATF Spokesman Karlo Nograles na malinaw ang polisiyang pinaiiral nila na walang lamangan at walang gulangan pagdating sa COVID-19 test.
Dapat aniyang unahin ang mga pasyente na may sintomas ng nasabing sakit.
Kabilang sa mga nababatikos dahil sa umano’y VIP test sina Senador Francis Tolentino, Richard Gordon at pamilya nito, Grace Poe, Pia Cayetano, Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta at asawang si Fernanda, PNP Chief Archie Gamboa at may bahay na si Rozanne at dating first lady Imelda Marcos.