Nagtakda ng mga kondisyon ang IATF sakaling payagan na ang pilot testing ng face-to-face classes.
Ayon kay Task Force Chairperson at Health Secretary Francisco Duque III, dapat na tiyakin muna ang mga metrics na walang COVID cases sa isang lugar, nasa low-risk ang kanilang classification o walang napaulat na daily new cases sa nakalipas na 28 araw.
Bukod dito, dapat din aniyang mabakunahan ang sapat na bilang ng participating teachers at tiyakin na kaya ng healthcare system ng mga lokalidad sakaling magkaroon ng surge ng mga kaso ng COVID-19.
Matatandaan hindi sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang unang tangkang ibalik ang face-to-face classes, dahil sa banta ng COVID-19. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico