Nakatakdang ipalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang guidelines o patakaran para sa ipatutupad na general community quarantine (GCQ) sa ilang lugar sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinasapinal pa ng IATF ang nabanggit na guidelines at target maipalabas sa Abril 27 para maayos na ring maipatupad sa katapusan ng buwan.
Sinabi ni Roque, kabilang sa tinatalakay ang muling pagbubukas ng tatlumpung porsyento ng pampublikong transportasyon sa mga lugar na isasailalim sa GCQ.
Pinag-aaralan din aniya akung ipagpapatuloy na ang mga naantalang government infrastructure projects sa mga nabanggit na lugar sa bansa.
Ang GCQ ay ang bahagyang pinaluwag na pagpapatupad ng community quarantine sa ilang mga lugar sa bansa na natukoy na hindi mataas ang tsansa ng pagkalat ng coronairus disease 2019 (COVID-19).