Inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakatakdang magpalabas ang Inter-Agency Task Force on zero hunger ng National Food Policy (NFP), na layung masolosyunan ang problema ng kagutuman sa bansa.
Ayon kay Nograles, ang naturang hakbang ay kasunod ng mga naging pahayag ng mga eksperto sa mundo, kungsaan sinabi ng mga ito na ang COVID-19 ang unang pinakamabigat na suliranin ng daigdig at pumapangalawa ang problema sa kagutuman at kahirapan.
Matatandaan na noong Enero, nagtatag si Pang. Rodrigo Duterte ng task force na s’yang naatasang gumawa ng NFP na magbibigay daan upang matukoy ang mga national priorities ng pamahalaan para makamit ang zero hunger pagsapit ng taong 2030.
Pahayag ni Nograles, nakamap-out na sa national food policy na ito ang lahat ng mga strategies, programs, activities, projects, at mga polisiya ng gobyerno na may kinalaman sa pagtugon sa problema ng kagutuman.
Dagdag pa ng kalihim, na ang hangarin na makamit ang zero hunger ay magpapatuloy sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.