Nakatakdang magsumite ng panibagong data ang mga expert sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) sa loob ng linggong ito kaugnay sa mga kaso ng COVID-19.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque Ang magiging batayan ng IATF sa kanilang isusumite namang rekomendasyon sa Pangulong Rodrigo Duterte para sa magiging susunod na quarantine classification para sa susunod na buwan.
Ang Metro Manila at karatig lalawigan ay nasa ilalim ng general community quarantine hanggang Nobyembre 30, 2020.
Nauna nang inihayag ng Metro Manila mayors na nais nilang panatilihin pa rin sa ECQ status ang kalakhang maynila hanggang katapusan ng taon.