Pinabubuo na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang local government units sa Metro Manila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) special teams para sa mga lungsod na mayruong high risk barangays.
Sinabi ng IATF na sa sandaling umiral ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila simula sa Hunyo 1 dapat magkaruon ng COVID-19 special teams ang Quezon City, Maynila at Paranaque City.
Pinabubuo rin ng covid 19 special teams angf Cebu City na simula sa Hunyo 1 ay sasailalim naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ang naturang team ay tututok sa surveillance at aksyon sa mga maituturing na high risk barangays dahil maaari pa ring magpatupad ng lockdown sa mga barangay o bahagi ng barangay na matutukoy na mayruong mataas na kaso ng COVID-19.