Pinalawig pa ng ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ibinigay na 72 oras na deadline sa mga media company para makakuha ng accreditation id’s sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) hanggang Marso 21.
Ito ay upang matiyak ang patuloy na operasyon ng mga media companies sa panahon ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi na nila papayagan ang mga media personnel na makalabas ng tahanan at makapag-cover sa buong luzon kung hindi makakuha ng accreditation ID matapos ang Marso 21.
Dagdag ni nograles, hanggang sa nabanggit na araw lamang din aniya kikilalanin ng mga pulis at iba pang law enforcement agency ang mga media id’s na hindi sinisita sa mga checkpoints.
Samantala, ipinauubaya naman ng IATF sa mga media companies ang pagbibigay ng transport service sa kani-kanilang mga empleyado.