Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagdiriwang ng ika-122nd Independence Day ng bansa sa Luneta Park.
Gayunman sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na 10 katao lamang ang binigyan ng permiso ng IATF na dumalo sa nasabing pagdiriwang sa Luneta.
Hindi naman masabi ni Roque kung nasa Davao City ba ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Independence Day sa Biyernes, Hunyo 12.