Pinayagan na ng Inter Agency Task Force (IATF) na makalabas ng bansa ang mga health workers para mag trabaho sa abroad.
Gayunman, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, limitado ito sa mga may OEC na mula sa POEA at mayroon nang valid employment contract hanggang nuong March 8, 2020.
Maaari ring maka alis ng bansa ang mga balik manggagawa o yung nagbakasyon lamang dito sa Pilipinas at matagal nang nagtra-trabaho sa abroad.