Pupulungin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force (IATF) kasama ang ilang disease experts.
Ito’y upang talakayin ang mga gagawing hakbang ng pamahalaan kasunod ng natuklasang bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nakita sa United Kingdom.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagawin ang pagpupulong sa Palasyo ng Malakaniyang sa Maynila ganap na ala-6 mamayang gabi.
Ayon naman kay Sen. Christopher Bong Go, labis aniyang nagaalala ang pangulo hinggil sa panibagong strain na ito ng virus lalo’t hindi pa nakababangon ang bansa sa COVID-19.
Ito ang dahilan kaya’t nagpasya si Pangulong Duterte na putulin o paiksiin ang kaniyang Christmas break sa Davao City.