Tiniyak ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na walang ipatutupad na martial law ang Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa may mga pasaway at lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na malinaw sa batas na maaaring ideklara lamang ng Pangulo ang martial law kapag mayruong invasion o pananakop ng ibang bansa o may banta ng rebelyon samantalang problemang pang kalusugan ang COVID-19.
Binigyang diin ni Nograles na paiigtingin na lamang ng gobyerno ang implementasyon ng ECQ para masawata ang mga pasaway.
Magugunitang ilang motorista ang hinuli ng highway patrol group ng PNP at kahabaan ng EDSA dahil sa mga hindi otorisadong pag biyahe samantalang dalawandaan katao naman ang inaresto sa Parola compound sa Tondo matapos lumabag sa total shutdown na ipinatutupad sa Barangay 20.