Tiwala ang Inter-Agency Task Force on the Emerging of Infectious Diseases (IATF-EID) na lalabas na ang mas-accurate na bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pagsisimula ng mass testings.
Ayon ito kay Cabinet Secrfetary Karlo Nograles, Spokesman ng IATF dahil matutukoy na kung sino sa mga persons under investigation ang mga positibo o negatibo sa nasabing virus.
Nilinaw ni Nograles na kapag sinabing mass testing hindi ito nangangahulugang pwede nang magpasuri ang sinuman sa COVID-19 kundi ang mga PUI o PUM; ang mga nasa ospital na matatanda, buntis at mya kasalukuyang sakit.