Wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil sa posibleng pagluluwag sa mga restrictions sa religious gatherings.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque hindi niya pa masabi kung mapapayagan muli ang religious gatherings subalit titingnan at aaralin ng iatf ang mga datos, ang case doubling rate at paghahanda para sa critical care.
Sa ngayon batay sa guidelines ng gobyerno , lima katao lamang ang papayagang dumalo sa isang religious gathering sa mga lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at 10 katao naman sa mga area na nasa general community quarantine (GCQ).