Nilinaw ng Inter-Agency Task Force (IATF) na wala silang planong irekomenda ang pagdedeklara ng martial law sa bansa.
Tugon ito ni Cabinet Secretary at IATF spokesman Karlo Nograles sa katanungan kung hanggang saan ang puwedeng gawin ng Pangulong Rodrigo Duterte upang matiyak ang pananatili ng kaayusan sa gitna ng enhanced community quarantine.
Sa ngayon anya ay nananatiling krisis na pangkalusugan ang umiiral sa bansa pero hindi malayong maging peace and order crisis kung papasukan ito ng mga nanggugulo.
Una rito, inatasan ng pangulo ang mga sundalo at pulis na barilin ang mga nanggugulo kung malalagay sa panganib ang kanilang buhay.
Matatandaan na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga pulis at mga miyembro ng Kadamay nang magrally ang grupo sa Quezon City dahil sa kawalan ng ayuda mula sa pamahalaan.
The IATF did not discussed the Kadamay issue, but the Prsident talked about this with his security cluster. Ngayon, is martial law an option? Hindi natin pinag-uusapan ang martial law. It was not a peace and order issue until may pumasok at nagte-take advantage at nanggugulo nga, so, ngayon pa lang, ang sinasabi ng pangulo, it’s already a public health issue, hahaluan mo pa ng peace and order –magkakaproblema tayo,” ani Nograles.