Damay na ang iba pang bakuna sa kontrobersya hinggil sa dengvaxia.
Inamin ito ni Health Secretary Francisco Duque III dahil karamihan ng mga magulang ang natatakot na kahit sa iba pang uri ng bakuna para sa iba pang sakit tulad ng hepatitis at tigdas.
Sinabi ni Duque na pati ang mga bakunang matagal nang subok at malaki ang tulong sa mga bata ay tinatanggihan na din ng mga magulang.
Dahil dito, umapela si Duque sa mga magulang na huwag katakuran ang mga nasabing bakuna dahil ligtas gamitin ang mga ito.
Una nang iniulat ng Department of Education o DepEd na may mga magulang na natatakot nang painumin ng deworming pills ang kanilang mga anak dahil sa takot na magaya sa sinapit ng ilan sa mga nabakuhan ng dengvaxia.