Inanunsiyo na ang mga pangalan ng bagong gabinete sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay incoming PCOO Secretary at spokesperson Atty. Trixie Cruz-Angeles, gagawing kalihim ng Presidential Management staff si dating Manila Rep. Naida Angping.
Magiging Tourism Secretary naman si Liloan Cebu Mayor Christina Frasco na siya namang tumatayong spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Si Bangko Sentral ng Pilipinas Assistant Governor Amenah Pangandaman naman ay inilagay bilang Budget Secretary na dati naring nagsilbi bilang Undersecretary at Assistant Secretary ng DBM.
Samantala, gagawin namang Secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng Marcos administration si Atty. Ivan John Enrile Uy habang ang broadcaster na si Erwin Tulfo naman ay inilagay bilang incoming DSWD Secretary.
Nagpasalamat naman ang mga bagong gabinete sa administrasyong Marcos sa tiwalang ibinigay at nangakong kanilang sisikaping matugunan ang pangangailangan ng bansa maging ng mga mahihirap na Pilipino.