Nagsimula na ring magpakawala ng tubig ang Pantabangan dam sa Nueva Ecija.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, anim na gate ng Pantabangan dam ang nakabukas sa labing dalawang metro.
Sa pinakahuling tala kaninang alas 6:00 ng umaga, umaabot na sa 206.44 meters ang lebel ng tubig sa Pantabangan dam.
Samantala, lagpas na sa 212 meters spilling level ang antas ng tubig sa angat dam sa bulacan na umabot na sa 213.60 meters.
Kaugnay nito, sinabi ng PAGASA hydrologist, malaki ang posibilidad na magbukas na rin ng gate ang iba pang mga dams tulad ng angat dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga ito.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, inaasahang makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Bicol Region at Kalayaan Islands dahil sa bagyong Vicky at tail-end of a frontal system.