Inaalam na ng AFP o Armed Forces of the Philippines kung may kuneksyon sa ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang ilang dayuhan na namamataan ng militar sa Lanao Del Sur.
Ito’y makaraang makasagupa ng militar ang Maute Terrorist group sa Piagapo, Lanao Del Sur kung saan, tatlong Indonesian at isang Malaysian terrorist ang kumpirmadong nasawi.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, maliban sa apat, napatay din ang isang Imam na dating pinuno ng MILF o Moro Islamic Liberation Front na sumapi na sa bandidong grupo.
Maliban dito, ipinabatid pa ng AFP Chief na may ilan ding Arabian Nationals ang naispatan sa Lanao DE sur partikular na sa pinangyarihan ng bakbakan.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal