Naka alerto na rin ang mga local Disaster Risk Reduction Management Office sa buong Central Luzon dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Handa na rin magpadala ng volunteers ang Pampanga Provincial Risk Reduction Management Office para tumulong sa paglilikas ng mga residenteng nasa malapit sa bulkang Taal.
Ayon kay Pampanga Gov. Dennis Padilla, naaalala nila ang kanilang sitwasyon nuong sumabog ang Mt. Pinatubo.
Ani Padilla, marami ang nagpaabot ng tulong sa kanilang lugar kaya naman ngayon ay handa rin silang tumulong sa mga apektado ng bulkang Taal.
Bukod sa mga volunteers, magpapadala rin ang konseho ng pagkain, hygiene kits, tents, at iba pang mga gamit na kakailanganin ng mga evacuees.