Maaari pang magpasa ng mga karagdagang ebidensya ang prosecutor ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyan-diin ni ICC Spokesman Fadi El Abdallah dahil anya paunang ebidensya lamang ang 43 kaso ng pagpatay at para lamang ito sa aplikasyon ng warrant of arrest.
Paliwanag pa ng ICC Spokesman, ang mahigit 40 nabanggit ay isa lamang halimbawa ng mga insidente na nauugnay sa isinampang kaso upang mapanatili ang akusasyong crime against humanity.
Sa orihinal na aplikasyon para sa warrant of arrest ni dating Pangulong Duterte, binanggit ng ICC Prosecutor ang 45 acts of murder, apat na acts of torture at tatlong acts of rape bilang mga base para sa mga krimen laban sa sangkatauhan na mga kaso na kanilang itinutulak laban sa dating pangulo.