Ilan pang heads of state at delegado ng APEC Summit ang nagsialisan na rin sa bansa ngayong araw.
Unang umalis si Canadian Prime Minister Justine Trudeau kung saan, nakangiti itong dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Agad naman sinalubong sa Bay 49 ng paliparan ang tinaguriang APEC hottie kung saan, kumaway ito at nagpasalamat sa mga Pilipino.
Bukod kay Trudeau umalis na rin ng bansa si Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Niel gayundin si South Korean President Park Geun Hye.
Umalis na rin sa bansa si US President Barack Obama kung saan, didiretso ito sa Malaysia para daluhan naman ang ASEAN Summit.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal