Hindi pa tapos ang trabaho ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa Mindanao kahit pa napatay na ang dalawang lider terorista sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año dahil sa nagpapatuloy pa rin ang bakbakan sa pagitan ng militar at nalalabi pang terorista sa main battle area.
Giit ni Año, kahit matapos ang bakbakan sa Marawi ay sunod naman nilang pupulbusin ang iba pang mga lawless elements sa rehiyon tulad ng BIFF at Abu Sayyaf.
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Año na tuluy-tuloy pa rin ang recruitment ng iba’t ibang bandido sa rehiyon at nagpapakalat ng maling propaganda.