Napapanahon na upang magkaroon ng kontrol ang pamahalaan sa lahat ng uri ng delivery services na posibleng gamitin ng mga sindikato sa pagpapadala ng iligal na droga
Ito ang inihayag ni House Committee on Dangerous Drugs at Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa pagdinig nito kaugnay sa paggamit sa mga TNC’S o Transport Network Companies bilang courier ng mga drug Syndicates
Ayon kay Barbers, dapat tingnan na rin ang iba pang mga paraan ng mga sindikato sa paghahatid ng iligal na droga tulad ng mga pribadong eroplano at mga helicopters
Inihalimbawa pa ni Barbers ang Colombian drug lord na si Pablo Escobar na ginagamit ang mga nasabing sasakyan para makapaghatid ng mga kontrabando nito sa iba’t ibang lugar sa mundo.