Ipagpapatuloy ngayong araw ang senate hearing hinggil sa sinasabing extrajudicial killings.
Nakatakdang dumalo sa joint hearing ng Justice and Human Rights at Public Order and Dangerous Drugs Committees ang mga miyembro umano ng Davao Death Squad (DDS).
Magugunitang ipinagpaliban ang pagpapatuloy ng hearing noong isang linggo dahil hindi umano naabisuhan ang mga DDS member.
Kabilang sa mga isiniwalat ng self-confessed na DDS hitman na si Edgar Matobato na may mga miyembro ng Davao City Police ang bahagi ng nasabing vigilante group gaya ni SPO4 Arthur Lascañas.
Samantala, umaasa si Senate Justice and Human Rights Committee Chairman Richard Gordon na matatapos ang pagdinig sa Martes.
By Drew Nacino