Naghigpit na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbabantay sa iba pang mga paliparan laban sa ‘Laglag Bala’ gang.
Kasunod ito ng pagkakabisto sa ‘Laglag Bala’ gang na bumibiktima sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) at mga dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa CAAP, inalerto nito ang 42 mga commercial airport sa ilalim ng pamamahala nito.
Kaugnay nito, nakatutok din ang ahensya sa paglalagay ng mas malaking pondo para sa surveillance system ng mga palaiparan
Sa lahat ng commercial airport sa bansa ay hindi sakop ng CAAP ang NAIA, Clark International Airport, Cebu – Mactan Airport, Subic International Aiport at Poro Point International Airport.
By Rianne Briones