Handa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tugunan ang iba pang pangangailangan ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators sa bansa.
Kasunod ito ng pag-apruba ng ahensya sa hiling ng grupo ng transportasyon kaugnay sa dagdag-singil sa pamasahe ng mga pasahero.
Ayon kay LTFRB Board Member atty. Mercy Jane Paras-Leynes, pinag-aaralan na ng kanilang ahensya ang pagda-dagdag ng taon o validity ng kanilang prangkisa bilang tugon sa halos dalawang taong tigil-pasada ng ilang mga tsuper.
Iginiit din ni Leynes na hindi band-aid solution ang ipinatupad na fare hike sa public transportation dahil ito ay permanente at pangmatagalan.