Positibo ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) na makapaglalabas na rin ang iba pang regional wage boards para sa hiling na umento sa sweldo.
Ayon kay Maria Criselda Sy, Executive Director ng NWPC na nasa deliberation stage na at ilang mga regional wage boards na lang ang nasa huling yugto ng kanilang public hearing.
Aniya, ang mga naiiwan nalang na hindi pa nakatatapos ng public hearing ay para sa domestic workers sa Metro Manila na nakatakda na sa susunod na linggo pa mapag-uusapan.
Paliwanag pa nito na asahan na sa mga susunod na araw na mag-aanunsyo na rin ang mga regional wage board ng aprubadong halaga ng umento sa sweldo sa kanilang mga nasasakupan.
Ani ni Sy, makikinabang ang nasa 3.6 milyong minimum wage earners sa itinatakdang umento sa sweldo.