Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan rin laban sa dengue ang iba pang mga rehiyon sa bansa.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee suy, umaasa silang papayagan ng Kongreso na madagdagan ang budget ng ahensya para mas marami pang makinabang ng libre sa naturang bakuna.
Samantala, sinabi ni Lee Suy na maari nang mabili sa merkado ang nasabing bakuna.
“Puwede na silang makipag-ugnayan sa kanilang mga pribadong doktor na puwede na silang umpisahan siguro ng bakuna.” Ani Lee Suy.
Free vaccine
Inisyal na pakikinabangan ng mga estudyante sa pampublikong paaralan ang bagong bakuna laban sa dengue.
Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, ibibigay ito ng libre sa mga Grade 4 student na hindi bababa sa edad 9 na taong gulang at mula sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4-A, mga lugar na may pinakamataas na dengue cases sa bansa
“Nakakaing mabuti nang sagayon ay physically at emotionally nakahanda ang bata sa ineksyon, may mga bata kasing minsan hinihimatay kapag nakikita ng ineksyon.” Dagdag ni Lee Suy.
Tatlong beses na ibibigay ang bakunang dengvaxia na may pagitan na 6 na buwan sa bawat isa.
“Syempre bumababa yung efficiency, yung lawak kung anong dapat, kasi kumbaga kaya natin binibigyan ng sunud-sunod na dose, parang gamot yan eh, ang iniinom nating gamot diba may oras? So pag hindi mo nasundan ang oras nay an hindi nasusundot yung sanang effect.” Pahayag ni Lee Suy.
By Rianne Briones | Ratsada Balita