Tinutugis na ng mga ahente ng National Bureau of Investigation o NBI ang iba pang personalidad na sangkot sa paglusot ng 6.4 na bilyong pisong halaga ng shabu shipment mula sa China.
Sa ipinalabas na ‘warrant of arrest’ ng Manila Regional Trial Court (RTC), ipinaaresto na ang mga negosyante na sina Manny Li at Kenneth Dong; customs broker na si Teejay Marcellana, ang Taiwanese nationals na sina Chen I-Min; Jhu Ming Jyun at Chen Rong Huan; gayundin ang may – ari ng EMT Trading na si Eirene Mae Tatad.
Ayon sa NBI, nakitaan ng probable cause ang kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Korte.
Samantala, inihayag ng NBI na mayroon pang dalawang (2) sangkot sa kaso ang nagpadala sa kanila ng ‘surrender feeler’ ngunit tumanggi munang tukuyin ang kanilang mga pangalan.
Mananatili naman sa kustodiya ng NBI ang sumukong customs broker na si mark taguba habang wala pang ‘commitment order’ na ipinalalabas ang hukuman kung saan ito ikukulong.