Naniniwala si University of the Philippines-Philippine General Hospital UP-PGH Emergency Medicine chairperson at dating adviser ng National Task Force against COVID-19 Dr. Ted Herbosa na posibleng makapasok ng Pilipinas ang iba pang variants ng COVID-19 sakaling ipatupad ang mas maluwag na border restrictions.
Kasunod ito ng pahayag ni Department of Health officer-in-charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kanilang pinag-aaralan ang suhestiyon kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa naturang usapin.
Ayon kay Dr. Herbosa, masiyado pang ‘risky’ kung magluluwag ng mga restriksyon sa mga entry at exit points sa bansa.
Kumpiyansa si Herbosa na mas mataas ang tiyansa na ma-infect ang isang indibidwal lalo na kung hindi pa ito nahahawaan ng variant ng COVID-19.