May mga posibleng paghugutan na ng pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, pinag-aaralan nilang magamit sa Marawi rehabilitation ang ibabayad ng Mighty Corporation bilang bahagi ng tax settlement deal.
Sinabi ni Diokno na nakapagtabi na siya ng limang bilyong piso para sa taong ito at sampung bilyon naman para sa susunod na taon at kung kukulangin pa ay puwedeng hugutin sa 2019 budget.
Maaari naman aniyang magkaroon ng supplemental budget mula sa 30 billion pesos na makukuha mula sa Mighty Corporation.
Kung hindi pa sasapat ang pondo mula sa Mighty Corporation, ipinabatid ni diokno Na uubrang kumuha ng pondo mula sa pagbebentahan ng controversial mile long property.
By Judith Estrada – Larino
SMW: RPE