Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ibang formulation ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer-Biontech ang ituturok sa mga edad na 5 hanggang 11.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi ibabakuna sa mga bata sa naturang age group ang kasalukuyang stock ng Pfizer vaccines.
Ito, anya, ay dahil kailangan pang magsumite ng manufacturer ng expanded emergency use authorization para sa mga bata sa 5 to 11 age group.
Ipinaliwanag ni Domingo na mas mababang dose ng Pfizer ang ibibigay sa mga batang edad lima hanggang labing-isa.
Kumpiyansa naman si Domingo na ihahain ng Pfizer ang expanded EUA nito para sa mas nakababatang age group sa Disyembre. —sa panulat ni Drew Nacino