Maaaring maparusahan ang mga pribadong laboratoryo na mag-aalok at magsasagawa ng COVID-19 saliva tests sa publiko.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) dahil tanging Philippine Reds Cross lamang ang binigyan ng permiso para magsagawa ng saliva tests.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa ito sa kondisyon ng kagawaran bago pinahintulutan ang Red Cross at UP College of Medicine na gamitin ang laway bilang alternatibong specimen.
Sinabi ni Vergeire, ikinukunsiderang opisyal at maaaring maisumite kung hihilingin ng mga kumpanya ang resulta ng saliva tests mula sa Philippine Red Cross.
Batay sa pag-aaral ng Red Cross, lumalabas na mahigit 98% vang accuracy ng saliva tests.