Nagsama-sama ang ibat-ibang ahensya at organisasyon bilang suporta sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw.
Nanguna sa aktibidad sina SM Supermalls President Steven Tan; Philippine Commission Women Officer-in-Charge Atty. Khay Ann Magundayao-Borlado; UN Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzales; UN Women Country Coordinator Rosalyn “Lenlen” Mesina; at She Loves Tech Founder Leanne Robers; kasama ang iba pang opisyal na patuloy na lumalaban para protektahan ang mga kababaihan na may mahalagang papel sa global harmony at equality.
Ang nasabing aktibidad ay may temang; investing in equality toward gender-inclusive prosperity na ginanap sa Samsung Hall, SM Aura, Taguig City.
Nagsilbing host ng event ang batikang mamamahayag na si bernadette sembrano; katz salao; at Carol Dy na dinaluhan at sinuportahan ni Senator Loren Legarda maging ng iba pang ahensya ng gobyerno.
Binigyang-diin sa aktibidad ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa anoman ang lahi, edad, at kasarian.
Umaasa ang SM Supermalls na magkakaroon ng koordinasyon o kolaborasyon sa Department of the Interior and Local Government na maghihikayat sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang kanilang kampaniya na labanan ang diskriminasyon, karahasan, pang-aabuso, at pananamantala sa mga kababaihan.
Naniniwala rin sila na mas mapapalakas ang security system sa bansa at mapapanatili ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa kung makikipagtulungan ang mga ahensya ng gobyerno.
Bukod pa dito, target din ng SM Supermalls na palawakin ang mga programa at proyektong magpapalakas at magbibigay ng pagasa sa mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan; irespeto ng tama; at maprotektahan ang kanilang mga sarili tungo sa mas maayos at mas magandang kinabukasan.