Iba’t ibang ahensya at organisasyon ang nagpahayag ng kanilang pagkagalak sa pananaig ng hustisya sa bansa matapos mahatulang guilty ang mga pangunahing akusado sa Maguindanao Massacre.
Kaisa na rito ang Presidential Human Rights Committee Secretariat, Presidential Communications Operations Office at Presidential Task Force on Media Decurity.
Sa kanilang ipinalabas na joint statement, sinasabing isang hindi malilimutang araw ang pamamayani ng hustisya sa bansa matapos makamit ito ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa malagim na krimen.
Anila, pinatutunayan lamang ng inilabas na desisyon na tiyak na mananagot ang may sala ano man ang katayuan nito sa buhay.
Bagama’t naging mabagal man umano ang usad ng kaso, sa huli ay naipakita pa ring may hustisya sa bansa at pinahahalagahan pa rin ang karapatang pantao.