Nagsanib puwersa na ang apat na ahensya ng pamahalaan upang tutukan ang problema ng illegal drugs sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine National Police- National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar, binuo nila ang NCR quad-intel force na kinabibilangan ng PNP-NCRPO, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Task Force NCR ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sama-sama anya ang apat na ahensya sa pagtukoy sa mahalagang targets sa Metro Manila at bumuo ng kaso laban sa mga ito.
Napag-alaman kay Eleazar na ang unang proyekto ng intel force ay ang tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro.