Nagsagawa ng aerial search operation ang pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Philippine Air Force (PAF), Philippine Army, Maritime Group, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Mercedes para hanapin ang limang mangingisdang nawawala mula sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Ayon sa mga otoridad, limang araw nang nawawala ang mga mangingisda mula nang manalasa ang Bagyong Karding sa Luzon.
Kinilala ang mga nawawalang mangingisda na sina Roger Pun-An, 59-anyos; Gerome Pun-An, 19-anyos; Efren Lozada Jr., 42-anyos; Rodel Carillo, 35-anyos; at Ricky Nuñez na parehong mga pumalaot isang linggo bago tumama ang Typhoon Karding.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang aerial inspection ng mga ahensya ng gobyerno sa nabanggit na lugar, hinggil sa pagkawala ng mga mangingisda.